Saturday, June 7, 2008

Freedom from duty

Its already midnight here in Dammam and i am having difficulty to get some sleep.ganito na lang ako palagi pag last night ko dito before my departure.yup,after eleven months uuwe na naman ako sa Baliuag for my yearly vacation.There is a different kind of sensation inside me pagka pabalik ako sa Pinas.I cant explain the euphoria all over me within the last week of due date.
Nakarepacked na yung baggage ko,naplantsa ko na damit na isusuot,na shine ko na shoes and still parang me nakalimutan pa rin akong gawin.ano kaya yun?Excited kasi kaya hinde ako mapakali.

Kasarap ng feeling pag ganitong ilang oras na lang at sasakay na naman ng eroplano pabalik sa atin.Mas matindi pa pag nag land na sa Naia, palakpakan mga pasahero, makikigaya na rin ako eventhough I really dont know why and for whom.Most probably we are referring the applaused to the Flight Officers and Attendants who made us convenient and safe during the 8+ hour travel.Kasabay ng pag taxi ng airplane sa runway,tayuan na rin kami to get our handcarry bags tapos lalakad na palapit sa pinto.The adrenaline shoots very high when you come out and started to walk (its actually a slight running) inside the Tarmac.Medyo parang nag uunahan kaming lahat na balikbayan either sa pagkuha ng trolley or sa pag pwesto dun sa conveyor.

Makakasama ko na naman ang pamilya ko kahit 35 days lang.Though short, ill try to make the best of it especially ke misis at ke Jep.Sabi nga ni bunso "mag bonding daw kami".Nabighani ako kasi I never heard that kind of words from any eight year boy.It sounds like a music to my ears,nakakatuwa na marunong ng mag request ang anak ko ng quality time.Unlike before na parang balewala lang sa kanya the firs time kong mag abroad.

As usual,umaatikabong kwentuhan,halakhakan at balitaan sa mga bagay na missed ko.The atmosphere are very pleasing and evident to everyone faces.Lahat masigla at nakangiti.Ang sarap ng pakiramdam pag ganun coz nakaka relax talaga and I hope ganun din sila.

The felicity goes on until the last seven days of my vacation.Syempre, this is the time when i begin to feel that I am sick ,ill and tired.Babalik na naman kase sa Saudi.Mas lalo si darleng ko,i can feel the sadness in her.Kaya pag nasa airport na uli kame,siguradong me bagyo sa mga mata namin.Buti na lang at si bunso ko eh madaling pakiusapan na wag iiyak pag aalis na ko.Pero ganyan talaga ang buhay OFW,aalis then uuwe din naman.Sanayan lang talaga.

Konting tiis pa,with a plans on hand.I am confident time will come or should i say sooner than later,magkakasama ulit kami all year round, Inshallah.