Friday, May 25, 2007

Assalam Alaykum!wara alha matula wa barakatu!

Yan ang pagbati d2 sa lahat ng oras pag me nakaharap ka kahit sino.ang sagot naman jan ay alaykum assalam!(inde malay ko sa iyo!)pede ring salam na lang.ung mga magkaka close me beso beso pa 3 times,ung iba kiskisan ng ilong.nun una natatawa ako.Pero ngaun ginagawa ko na rin hehehe.(sa mga close friend lang na ibang lahi)sa mga kapwa pinoy naman handshake lang.common d2 un(kanang kamay).Sa mga indiano naman handshake tapos un kamay ipapatong sa kaliwang dibdib(sabay pipilig un ulo hahahaha)kakainis nga lang pag nag usap usap inde ko maintindihan.har ler ler lerler!!Parang me kendeng bilog sa bibeg.Dati nga nun tinatahi un ulo ko(nadulas kasi ako sa banyo)sabi sa akin nun duktor na indiana."payni?"sabi ko what?sabi uli nya "do you feel payni?"sabi ko ulet what do you mean?sabi na lang nung nurse na pinay"msakit daw ba?ah pain pala.

Sa arabic naman medyo madali lang pag tinutukan mo,natuto ako kakabasa ng libro at mga pangalan ng mga establishment pag nakahinto sa traffic.(kaya madalas akong mabusinahan nuon)mostly shortcut un mga word nila.wala clang letter p at e.(substitute na lang un letter b at y para dun)at c at x.saka it start from the left side.nagulat nga un bisor ko e after more than 1 year nakakabasa na ako ng arabic.kasi un iba 10 years na inde pa rin.sabi ko interested kasi ako matuto.un name ko naman d2 ay arnal or arnyl basheko.kaya pag gusto mong magsofdrinks sasabihin mo ay bebsi para sa pepsi.(parang me sipon ka kung bumigkas).kaya si pepe pag nag saudi bumabata....hulaan mo kung anu tawag?very good!hahahaha!

So far ok naman ang buhay d2,magaan ang trabaho.ok lang ang sweldo.aircon lahat pwera lang sa labasan.inde ko lang maintindihan kung bakit inde ako pumute pute hahahaha kasi paglabas ng bahay ko deretso sa kotse aircon pagdating sa opis aircon pagpunta sa mga clients aircon.juice ko maligo kaya ako ng aircon?
Ang winter naman d2 ay from nov to march.bandang feb grabe na ang lamig at fog.pag summer naman ay naku talagang mainit.parang nasa impyernong luma!kaya naman inde uso d2 un tambay sa kalye.meron din bihira lang.mas safe maglakad d2 sa gabi kesa sa atin or baka kahit jan sa lugar nyo.kasi maraming bawal na bisyo d2 kaya walang susuray suray na lasing or nakadrugs sa kalsada.ang mga pulis naman average of 10 minutes me dadaan na mobil sa labas.malapit yata kami sa presinto hehehe.respetado cla d2 dahil mababait cla at maayos kung makitungo.pag nakasalubong nga sila ng pinoy e sasabihin"filibini kamusta kah?"

Ok sa kanila ang mga pinoy dahil masisipag,dedicated sa trabaho,inde mareklamo,maparaan,pala kaibigan,madaling kausap at magaling sa lahat ng bagay.except nurse,dh,beautician,yaya at mananahi e puro lalaki na nagtatrabaho d2 kahit sa mga bilihan ng mga underwear na pambabae.sa mga restaurant naman me dining area na para sa family lang at meron din para sa mga bachelor or un mga lalake.ganun din sa bahay.hiwalay ng building. Sa pagkain naman bibihira ang me rice mostly kubus un tinapay na walang lebadura saka mga spicey chicken beef and lamb.lahat ng tindahan me fresh milk.ang ginagawa ko iniinit ko sabay ilalagay sa kanin tapos asin.ahh sarap lang!parang dun sa atin(gatas ng kalabaw)madalas nagluluto ako gusto ko pa rin kasi pinoy food kaya lang yun mga ibang sahog wala dito.ginagawan ko na lang ng paraan like pag tinola instead na dahon n sili ay green pepper na lang.sayote wala din kaya zuchini n lang.If i like tocino,naglalaga ako ng sliced bobby veal,then pag tuyo na lalagyan ko ng ketsup(me UFC dito)then after 3 minutes lalagyan ko ng mantika,deretso prito na yun.then presto!tocino na sya.pag sapsuy naman walang itlog ng pugo kaya..... .......itlog ko na lang.....bastus!